engels.antonio.one

Dalawampung Buwan

Kahapon, dumaan ang
dalawampung buwan
ng iyong katahimikan,
Ngunit sa aming dugo,
tinig mo’y 'di napuputol.

Hindi ka lumisan,
nagbago ka lamang ng anyo
Mula sa makata ng bayan,
tungo sa haligi ng buhay.

Ang bawat mong titik
ay naging aming hininga,
Ang iyong prinsipyo,
aming matandang katuwiran.

Salamat, Tatay, sa
pamanang walang wakas.
blog